Sa kanlurang europe noong gitnang panahon, ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang MANORYAL(manorial). Ang manor ay lupaing sakop ng isang panginnong may lupa na binuo ng kanyang kastilyo, simbahan, at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya. Sa ilalim ng manoryalismo, tungkulin ng isang panginoong may lupa na bigyan ng pabahay, lupang sakahan, at proteksiyon ang mga naninirahan sa manor. Kapalit nito ang paglilingkod naman ng mga tao sa mga kailangan ng kanilang panginoong may lupa. Ang bawat minor ay sentro ng gawaing panlipunan at pangkabuhayan ng bawat taong nakatira roon. Ang buong populasyon sa minor ay sama-samang nagtatrabaho sa bukid. Mayroon silang tinatawag na THREE-FIELD SYSTEM. Ang bukid ay hinahati sa tatlong bahagi( taniman sa tagsibol, taniman sa taglagas, at ang lupang tiwangwang). Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili ang FERTILITY ng lupa. Mahirap ang buhay ng mga naninirahan sa manor dahil wala silang ugnayan sa ibang pamayanan dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan.
