Sabado, Disyembre 9, 2017

Piyudalismo

 Ang piyudalismo (feudalism) ay isang sistemang politikal at militar sa kanlurang Europe noong gitnang panahon. Ang piyudalismo ay isang ugnayan ng mga aristokrata (aristocrat) o ng panginoon (lord) at kanyang basalyo (vassal). May dalawang dahilan ang pinaguatan ng piyudalismo. isa na rito ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa kalakhang Europe noong gitnang panahon. Ang pangkat na ito ay binuo ng isang lider at mandirigmang magaling at matapang, Ang huli ay sumumpa sa kanilang pinuno hanggang sa kamatayan, Bilang kapalit trinato silang mabuti at iginalang ng pinuno ang mga mandirigma. Ang ganitong ugnayan ng panginoon ay nabago nang sumapit ang 700 CE. Ang panginoon ay kailangan ng mga hari upang labanan ang mga mananalakay. Sa kanila ngayon ibinigay ng mga hari ang kanilang fief. Ang fief ay lupa na pinagkaloob ng hari, ang tumanggap nito ay tinawag na basalyo. Nang sumapit ang 800 CE, ang marangal na ugnayan sa pagitan ng lider at pangkat ng aleman ay isinama sa isang sistema sa paghawak ng lupain. Ang pagiging basalyo at paghawak ng fief ay pinag-isa at ito ngayon ang tinawag na piyudalismo.

Maganda ang sistema ng piyudalismo, dahil mayroon silang natatanggap na benipisiyo sa isat isa, ang lord nakakatanggap ng proteksiyon galing sa vassal at ang vassal naman nakakatanggap ng lupa galing sa lord parang give and take lang ang nangyayari. 

Image result for piyudalismo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento